Ni: Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY, Pangasinan - Umaaray na rin ang mga vendor sa Region 1 sa malaking ibinagsak ng bentahan ng manok sa palengke, partikular na sa Pangasinan.

Sa forum kahapon na dinaluhan ni Dr. Cherry Javier, hepe ng National Meat Inspection Service (NMIS)-Region 1, sinabi niyang halos 100 porsiyento ang ibinagsak ng sales ng manok.

“Kung dati ang isang vendor ay nakakabenta ng 188 kilo kada araw, ngayon tatlong kilo na lang at talagang nakakaapekto sa kanilang kabuhayan,” sinabi ni Javier nang kapanayamin ng Balita.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Samantala, tiniyak naman ni Dr. Eric Perez, provincial veterinarian, na walang nakapasok na manok sa Pangasinan mula sa Pampanga.

Aniya, sobra pa nga ang supply ng manok ng Pangasinan, dahil nakakapag-produce ito ng apat na milyon buwan-buwan.

Ang Pangasinan pa nga ang nagsu-supply hanggang sa Nueva Ecija, Bataan, at sa mga kalapit na lugar, ayon kay Perez.