NI: Mary Ann Santiago

Sisikapin ng Commission on Elections (Comelec) na makapagdesisyon sa lalong madaling panahon kung ipagpapaliban o hindi ang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Mindanao.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, binigyan lamang nila ng limang araw ang mga interesadong grupo o partido na magpadala ng pagtutol sa mungkahing pagpapaliban ng halalan. Pagkatapos nito ay posibleng sa loob ng isang linggo ay makapagpasya na ang Comelec En Banc.

Sa ilalim ng Section 5 ng Omnibus Election Code, may kapangyarihan ang Comelec na ipagpaliban ang eleksyon sa alinmang lokal na pamahalaan sa panahon ng karahasan, terorismo, pagkawala o pagkawasak ng election records o paraphernalia, at iba pang dahilan na imposibleng makapagdaos ng malaya, tapat at maayos na halalan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'