WINALIS ng Team Malaysia ang team competition sa compound event, habang matatag ang Indonesia sa individual class ng archery nang magwagi sa finals ng kompetisyon para sa maagang hakot ng medalya sa 29th Southeast Asian Games sa NSC Synthetic Turf sa Bukit Jalil nitong Huwebes.

Nakopo ng Malaysia men’s compound team nina Lee Kin Lip, Mohd Juwaidi Mazuki, at Zulfadli Ruslan ang gintong medalya kontra Singapore (An Hang Ten, Alan Lee, Pang Toh Jin) 228-222 sa final rounds.

Nasundan ito ng tagumpay ng women’s team nina Faten Nurfatehah, Saritha Cham Nong at Nurul Shazhera kontra Vietnam (Lee Ngoc Huyen, Chau Kieu Qanh, Nguyen Thi Nhat Le) 253-252 sa dikitang duwelo na ipinagbunyi ng home crowd.

Kinapos lang sina Mazuki na nakakuha lang ng silver medal sa men’s individual compound event sa naiskor na 144 kontra kay Prima Wisnu Wardhana ng Indonesia (145), habang nag-bronze si Nurfatehah sa women’s individual sa likod nina Sri Ranti ng Indonesia at Chau Kieu Oanh ng Vietnam.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!