Mga Laro sa Martes

(RTU gym)

8 n.u. -- De Ocampo vs Holy Angel

10 n..u. -- PMMS vs St. Clare

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

11:30 n.u. -- RTU vs CUP

2:30 n.h. -- OLFU vs CdSL

MAAGANG nagparamdam nang kahandaan ang Colegio de San Lorenzo at Our Lady of Fatima University sa magkahiwalay na dominanteng panalo kahapon sa pagbubukas ng NAASCU (National Athletics Association of Schools, Colleges and Universities) Season 17 men’s basketball tournament sa dinumog na Cuneta Astrodome sa Pasay City.

Pinaluhod ng CdSL ang Manuel Luis Quezon University, 101-82, habang giniba ng OLFU ang bagong miyembro na La Salle-Araneta University, 82-66, sa pagsisimula ng aksiyon sa 16- team competition.

Nanguna ang ‘Twin Towers’ na sina Soulemane Chabi Yo at Jon Gabriel para sa Griffins, target na masundan ang matikas na kampeonato sa MBL Open nitong Hunyo.

Kumana si Yo, ang hard-working reinforcement mula sa Africa, ng double-double – 26 puntos at 16 rebounds.

Nagsalansan naman si Gabriel,nakibahagi sa Wang’s Ballclub sa PBA D-League, ng 24 puntos, tampok ang 9-of-10 shooting.

“I’m satisfied with the performance of the boys. But we’ll take it one game at a time,” sambit ni CdSL coach Boni Garcia, mentor ng AMA na nagkampeon sa NAASCU 2006 season.

Nanguna sa MLQU sina Jayson Grimaldo at Clarence Tiquia sa naiskor na 16 at 15 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Sumandig naman si Fatima coach Ralph Emerson Rivera, kina Chris Essomba na may 18 puntos at 14 rebound, at Jessie Pedrosa na kumana ng 16 puntos.

Nagbigay ng makabuluhang mensahe si Globalport Batang Pier team manager Bonnie Tan, habang pinangunahan ni NAASCU president Dr. Ernesto Jay Adalem ng St. Clare College ang pagtanggap sa mga kalahok sa opening ceremony.

Si dating PBA star Pido Jarencio ang tournament commissioner.

Iskor:

(Unang Laro)

CdSl (101) -- Chabi Yo 26, Gabriel 24, Baldevia 14, Sablan 11, Formento 9, Rojas 7, Vargas 4, Alvarado 3, Callano 3, Ancheta 0, Borja 0, De la Cruz 0, Laman 0.

MLQU (82) -- Grimaldo 16, Tiquia 15, Rivera 14, Lao 12, De la Cruz 12, Jamila 9, Asturiano 2, Estrella 2, De la Punta 0, Torivbio 0.

Quarterscores: 27-16, 46-34, 74-55, 101-82.

(Ikalawang Laro)

OLFU (82) – Essomba 18, Pedrosa 16, Dabu 14, Cabrera 9, Lumbera 8, Albano 6, Jimenez 5, Sarona 2, Geraldo 0, Gozum 0, Eugenio 0, Diosa 0.

DLS-AU (66) – Aquino 19, Cortes 9, Batungbakal 8, Briones 6, Correche 6, Alcoran 6, Bautista 0, De la Torre 4, Del Rosario 3, Balbuena 0.

Quarterscores: 22-11, 33-18,54-45, 82-66