WALA man sa National Team, ipinamalas ni Marian Jade Capadocia ang kakayahan para patunayan na siya ang reyna sa Philippine tennis nang gapiin si National mainstay, Khim Iglupas, 6-3, 7-6(5) para makopo ang women’ single title ng Olivarez Cup Open Tennis Championship nitong Miyerkules sa Olivarez Sports Center sa Sucat, Parañaque.

capadocia copy

Tinuldukan ng 21-anyos na si Capadocia, pambato ng San Jose, Antique at miyembro ng Arellano University, ang tatlong taong pamamayagpag ni Iglupas sa torneo na nagsisilbing pre-season para sa kampanya sa Sea Games.

Hindi napabilang si Capadocia, suportado ng Dunlop, USANA at Peakform, sa RP Team nang alisin sa line-up nang nakaalitan ng kanyang ina na si tennis secretary-general Romeo Magat.

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

“Gusto ko lang patunayan na kaya kong maglaro sa mataas na level at hindi ako nagpapabaya sa training na tulad nang sinasabi nila,” sambit ni Capadocia, nagdesisyon na maglaro na lamang sa ITF Tour sa abroad sa tulong ng Philippine Sports Commission.

Napanatili naman ni Johnny Arcilla ang titulo sa men’s division nang pabagsakin si Eric Olivarez Jr., miyembro ng Western Michigan University, 6-4, 6-2.

Ito ang ikaapat na titulo sa huling limang season ng torneo ni Arcilla.

Malaking dagok kay Olivarez ang kabiguan matapos magwagi sa matitikas ding sina fourth seed Vicente Anasta, No. 5 Leander Lazaro, at second seeded PJ Tierro sa semis.