Nina ROY MABASA at BELLA GAMOTEA, May ulat ng AFP

Apat na Pinoy ang kabilang sa mahigit 100 sugatan sa pag-atake ng mga terorista sa Barcelona, na ikinamatay ng 13 katao nitong Huwebes.

Habang isinusulat ang balitang ito, hindi pa pinapangalanan ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang apat na miyembro ng pamilya ngunit sila ay dinalaw na sa ospital ng Philippine Honorary Consulate.

ap17229702924256 (1) copy

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Sa ulat ni Honorary Consul Jordi Puig Roches, ang ina at ang anak nitong babae ay nailabas na mula sa ospital ngunit patuloy na inoobserbahan ang ama at ang anak nitong lalaki at inaalalayan ng Irish Honorary Consul doon.

Ayon sa DFA, nakikipag-ugnayan ang Philippine Embassy sa Madrid at ang Honorary Consulate sa Barcelona sa awtoridad at mga leader ng Filipino community upang masigurong ligtas ang iba pang 20,000 Pinoy. Sa isang pahayag, nakiisa ang pamahalaan ng Pilipinas, sa pamamagitan ng DFA, sa international community sa pagkondena sa pag-atake ng mga terorista.

“The Philippines condemns in the strongest terms this disturbing act of terror perpetrated by extremists against innocent men, women and children in Barcelona,” pahayag ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano.

“We stand in solidarity with the people of Catalonia and all of Spain and the rest of the world as we fight this common scourge,” dagdag ni Cayetano.

Ayon sa mga ulat ng Philippine Honorary Consul sa Barcelona, kabilang sa naganap na pag-atake ang pag-araro ng isang sasakyan sa pedestrians sa Las Ramblas, Barcelona.

13 PATAY SA MAGKASUNOD NA ATAKE

Dalawang magkahiwalay na pag-atake, kamakalawa at kahapon, ang naitala sa Barcelona at isang sikat na baybayin sa Espanya nang araruhin ng isang driver ang pedestrian na ikinasawi ng 13 at ikinasugat ng mahigit 100 katao.

Sa unang insidente, na kinumpirma ng mga pulis na “terrorist attack”, matulin umano ang takbo ng isang puting van nang dumaan ito sa isang kalye na puno ng mga turista sa central, Barcelona, nitong Huwebes ng tanghali na ikinamatay ng 13 katao.

Makalipas ang walong oras, inararo ng isang Audi A3 ang pedestrian sa Cambrils, 120 kilomtero ang layo sa Barcelona, na ikinasugat ng anim at isa rito ay kritikal at ang isa ay pulis, ayon sa gobyerno ng Espanya.

Apat sa mga suspek ang nabaril ng mga pulis sa Cambrils at ang isa ay namatay dahil sa matinding pinsala sa katawan.

Sa ngayon, ang awtoridad ay “working on the hypothesis that the terrorists shot dead in Cambrils are linked to what happened in Barcelona”.