Ni: Mary Ann Santiago

Naaagnas na nang madiskubre ang buntis, na ang fetus ay natagpuan sa loob ng kanyang shorts, na nakapaloob sa itim na garbage bag sa isang abandonadong kariton sa Pasig City kamakalawa.

Inilarawan ni Eastern Police District (EPD) Director Police Chief Supt. Romulo Sapitula ang biktima na nasa edad 20-30, nakasuot ng itim na bra at pulang shorts.

Sa imbestigasyon ni PO2 Danilo Damasco, ng Pasig City Police, nadiskubre ni Arturo Santos, 54, miyembro ng Barangay Buting Security Force (BSF), ang bangkay sa Flores Street sa Barangay Buting, bandang 7:00 ng umaga.

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Ayon kay Santos, nakatanggap ng tawag ang kanilang tanggapan hinggil sa isang abandonadong kariton na may masangsang na amoy.

Pinuntahan ni Santos ang kariton at tuluyang nadiskubre ang bangkay at ini-report sa mga tauhan ng Police Community Precinct 2 (PCP-2).

Patuloy ang imbestigasyon ng awtoridad.