Ni: Leandro Alborote

PANIQUI, Tarlac - Dalawang motorcycle rider at angkas nila ang duguang isinugod sa Rayos-Valentin Hospital makaraang magkabanggaan sa Paniqui-Camiling Road sa Barangay Salumague, Paniqui, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Sugatan sa naturang banggaan sina Mario Santos, 49, driver ng Skygo motorized tricycle (ON-4205); at Renante Optana, 28, ng Bgy. Barang, Paniqui, Tarlac.

Sa panig ng Suzuki Hayate motorcycle (DK-3883), nasugatan din ang driver na si John Paul Gragasin, 20; at ang angkas niyang si Robin Gragasin, 45, kapwa taga-Bgy. San Juan De Milla, Paniqui, Tarlac.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay