Ni MARY ANN SANTIAGO

Patay ang 25 katao, pawang sangkot sa iba’t ibang krimen, habang 166 naman ang arestado sa police operation ng Manila Police District (MPD) operatives sa iba’t ibang bahagi ng lungsod sa buong magdamag.

Ayon kay MPD Director Police Chief Supt. Joel Napoleon Coronel, sa 25 napatay, nasa 11 ang sangkot sa robbery holdup sa Sta. Cruz, Malate, Sampaloc, at Tondo, habang ang 14 na iba ay napatay sa buy-bust operation.

Aniya, nanlaban ang mga suspek habang inaaresto kaya napilitan ang mga pulis na ipagtanggol ang kanilang sarili na nagresulta sa pagbulagta ng 25.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na 48 naman sa mga inaresto ay sangkot sa mga kaso ng murder, frustrated murder, robbery, homicide at drug trafficking habang ang 118 na iba pa ay pawang lumabag sa city ordinance.

Napag-alaman na aabot sa 40 o higit pa ang isinagawang operasyon ng kanyang mga tauhan sa loob ng 24 oras, mula Miyerkules hanggang kahapon ng umaga.

“Ang resulta po ng ating anti-criminality operations for the past 24 hours dito po sa city of Manila. We were able to arrest 48 persons for various offenses ranging from warrants of arrest for murder, frustrated murder, robbery, homicide and drug trafficking cases. Also in course of [the] operations, 25 persons were killed and neutralized during the operations while they were resisting arrest on police operatives, and then another 118 (were arrested) for violation of city ordinance,” pahayag ni Coronel, sa isang press briefing. “Marami naman pong nahuli. Nagkakataon lang na may lumaban at napatay sa engkuwentro,” dagdag niya.

Ibinunyag niya na 18 drug suspects ang napapatay ng kanyang mga tauhan gabi-gabi dahil sa panlalaban.