FREETOWN (AFP) – Sinimulan ng Sierra Leone ang isang linggo ng pagluluksa kahapon matapos lumutang na 105 bata ang kabilang sa mahigit 300 kataong namatay sa mga mudslide at bahang dulot ng pag-ulan sa bansa. May 600 katao ang nawawala pa rin sa Freetown.
Inilarawan ni President Ernest Bai Koroma na “overwhelming” humanitarian challenge ang kinakaharap ng bansa.
Nangako ang gobyerno ng Sierra Leone, isa sa pinakamaralitang bansa sa mundo, ng tulong sa mahigit 3,000 kataong nawalan ng tirahan sa kalamidad.