Ni Terence Repelente

Hindi na umano mahalaga kay National Artist for Literature Virgilio S. Almario ang muling pagkakamit ng Pilipinas ng karangalan sa larangan ng literature. Ayon sa chairman ng National Commission on Culture and Arts (NCCA) at Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), pagtutuunan muna niya ng pansin ang paglulunsad ng bagong henerasyon ng mga “passionate” na mambabasa.

“Wala na tayong magagawa sa mga matatanda kasi ‘pag ayaw talaga magbasa, ‘di na magbabasa ‘yun. What we can do now is to start a new generation of readers. Let us encourage and influence them,” ani Almario, na kilala rin sa kanyang pen name na Rio Alma.

Sa isang diskusyon kasama ang mga editor ng Manila Bulletin kahapon, sinabi ni Almario na isa sa mga kinahaharap na problema ng globalisasyon ay ang pag-usbong ng banyagang kultura, tulad na lang ng K-pop (Korean popular culture).

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Iginiit din niya ang importansiya ng edukasyon at literatura, na dapat umano ay bigyan ng kahalagahan at pagtuunan ng pansin. Isa siya sa mga may hangaring ipagtanggol ang literatura kaysa sa ibang bagay.

“Ang tingin ko kasi one failure of education is that once we graduate, graduate na din tayo sa literature,” pahayag niya.

Ibinunyag niya rin na nakatutok ang administrasyong Duterte sa pagkakaroon ng Department of Culture—ang nasabing kagawaran ay may police powers upang maisagawa ang mga promosyon, proteksyon, at pangangalaga sa mga programang may kinalaman sa kultura, na makatutulong sa pagtupad ng NCCA sa mandato nito.

“I am for the forming of the Department of Culture. It is not about the budget. But there are things that a department can do that NCCA can’t,” sabi niya.