NI: Nitz Miralles

PAHINGA muna sa pagiging director si Ricky Davao dahil balik-acting siya sa My Korean Jagiya bilang tito na naging tita ni Gia (Heart Evangelista). Maraming beses na siyang gumanap bilang beki sa mga nauna niyang proyekto sa TV at pelikula kaya balik-bading role siya sa show.

Ricky Davao 3 copy copy

Bilang si Josie Asuncion, nasa gitna ng pagiging screaming at reserved gay ang karakter ni Ricky. Hindi namin alam kung seryoso siya sa sinabing si Joe Barrameda ang peg niya sa kanyang role.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Masaya ang role at karakter ni Ricky na si Josie na love na love ang pamangking si Gia at kapatid na si Aida (Janice de Belen). Pero magkakaroon sila ng conflict ng kapatid dahil sa lalaki. Pag-aagawan nila si Raymart Santiago na magi-guest sa My Korean Jagiya.

Nararamdaman ni Ricky na susuportahan ng viewers ang My Korean Jagiya dahil naiiba ito sa mga napapanood na show ngayon.

“Mapi-feel mo naman ang pulso ng viewers, maingay sa social media at pinag-uusapan na nababalita pa lang na may gagawin ang GMA-7 na Pinoy-Korean series. Kakaiba talaga ito dahil hindi na lang Korean stars dubbed in Tagalog ang mapapanood na nagsasalita sa screen. Sa My Korean Jagiya, Korean stars na nagsasalita ng Korean ang mapapanood at sila ngayon ang may subtitles,” wika ni Ricky.

Masaya ang taping nila, kuwento pa ni Ricky, dahil magkakasundo ang lahat. Nagulat daw sina Alexander Lee, Michelle Oh, Jerry Lee at David Kim na may airconditioned tent sa taping dahil wala noon sa Korea. Lagi nga namang malamig ang klima sa kanila.

Sa direction ni Mark Reyes, inaaanyayahan ni Ricky ang Kapuso viewers na panoorin at subaybayan ang My Korean Jagiya na magpapakita ng mixture ng Filipino at Korean values.