NI: Reggee Bonoan
SA nilipatang timeslot ng Mulawin vs Ravena, lalo pa silang pinutulan ng mga pakpak ng tinapatan nilang La Luna Sangre na nakakuha ng 33.7% at 14.7% lang ang mga taong-ibon.
Sa lakas ng power ni Sandrino (Richard Gutierrez), dahil sa kanya pa lang ay taob na ang mga taong-ibon, e, paano pa ang power nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo pagdating sa fan base? Imagine, si Richard ang dating bida sa Mulawin, ngayon katapat na niya ang sequel.
‘Kita mo nga, pati ang The Better Half star na si JC de Vera ay nauna nang humingi ng dispensa kay DJ sa nangyari sa Star Magic basketball dahil alam ng una na kukuyugin siya ng sandamakmak na fans ng KathNiel at nangyayari na nga ngayon sa social media na inaawat lang ng ibang supporters.
Tumataas o bumababa ang ratings ng programa batay sa dami ng fans o supporters ng mga bidang artista ng serye o show.
Tiyak na marami rin namang supporters ang mga bida sa mga programa ng GMA-7, ‘yun lang, hindi nila kayang talunin ang buhos ng fans nina Coco Martin, Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.
E, paano pa ‘yung kanya-kanyang fans o supporters’ ng mga artistang kasama sa La Luna Sangre tulad nina Richard, Sue Ramirez, Tony Labrusca, Angel Aquino, Myrtle Sarrosa, Moonchasers group at ni Sylvia Sanchez na kahit cameo role lang sa LLS ay panay pa rin ang promote ng Sylvianians Global.
Anyway, curious kami kung sino ‘yung babaeng kasama ni Prof T (Albert Martines) na nagbibigay sa kanya ng tips tungkol sa mga bampira. Pamilyar ang boses sa amin pero hindi namin maisip kung sino. Knows mo na, Bossing DMB? (‘Di pa. Makasali nga sa Moonchasers! –DMB)
Samantala, hanggang kailan nga ba magpapanggap na lalaki si Kathryn o Malia dahil naaasiwa kami sa itsura niya at totoo nga, hawig siya ni Jake Zyrus (Charice).
Sino rin kaya sa grupo ni Sandrino ang kumakalaban sa kanya bukod kay Aaron Villena as Andrew/Omar na nasa panig talaga nina Malia (Kathryn)?