Ni NITZ MIRALLES

ANO ito? Sina Daniel Padilla at Paul Salas naman ang magkakaisyu dahil sa basketball?

Na-screen show at nag-viral ang palitan ng tweets ng magkakaibigang Paul Salas at Andrew Muhlach tungkol sa paglalaro ni Daniel ng basketball.

DANIEL copy copy

Human-Interest

Tripleng tagumpay! Identical triplets, magna cum laude sa degree program nila

Parang inaasar ni Paul si Daniel sa tweet niyang, “Hahaha curry na curry ba?” na ang tinutukoy ay ang basketbaball player na si Stephen Curry na ginagaya raw ni Daniel. Sumali si Andrew na nag-tweet ng, “Foul foul foul hahaha.”

Sumali rin si Marco na nag-tweet naman ng, “Hahaha, ano to game naman ako 5 on 5.” At tinanong si Paul at ang isa pang kaibigan kung game sila.

May nag-react na fan ni Daniel at parang nagbanta na sasabihin kay Daniel ang mga kayabangan nilang tweets. Nag-tweet nga si Daniel ng, “Seryoso ba ‘tong mga ‘to?” at sinundan ng “@PaulAndreSalas, ano? Sagot.” Sumagot nga si Paul ng, “G pa sched na kami ng court” na ang ibig sabihin ng “G” ay game sila.

Hayun, nagalit ang fans nina Daniel at Kathryn Bernardo at tinawag na “starlets” sina Paul at Marco. ‘Tapos sumali sa isyu si Kathryn by posting a picture of Stephen Curry na naka-thumbs up sign at naka-tag sina Daniel at Paul.

Hanggang asarang Twitter o social media lang sana ito, at hindi na mapunta sa physical na away. Kung matuloy man sa basketball game ang hamunan ng magkabilang panig, sana’y walang away.