Ni: Jun Fabon

Kinasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide with multiple physical injuries ang driver ng mixer na dumagan sa kotse na ikinasawi ng isa at ikinasugat ng apat na miyembro ng pamilya sa Mindanao Avenue, Quezon City kamakalawa.

The driver of cement mixer truck, Jayson Muleta Nuay, sits behind bars at traffic bureau sector 6 in Quezon City on Wednesday. Nuay's truck crushed a white Sedan yesterday killing 1 and 4 injured at Mindanao Avenue. Photo by Jansen Romero
The driver of cement mixer truck, Jayson Muleta Nuay, sits behind bars at traffic bureau sector 6 in Quezon City on Wednesday. Nuay's truck crushed a white Sedan yesterday killing 1 and 4 injured at Mindanao Avenue. Photo by Jansen Romero

Nakakulong ngayon sa Traffic Sector 6 ang driver ng cement mixer na si Jason Moleta, 26, matapos sampahan ng kaso sa Quezon City Prosecutors’ Office, kahapon ng umaga.

Human-Interest

Bakit laging panalo? Netizens, napa-research sa mga nagawa ni Sen. Lito Lapid

Sa report ng hepe ng Traffic Sector 6 na si Police Sr. Insp. Josephina Cuartero, naganap ang aksidente sa kahabaan ng Mindanao Avenue, bandang 4:30 ng hapon.

Nalagutan ng hininga sa matinding pagkaipit si Ulysses Ramos, 35, ng No. 32 King Charles, Kingspoint Subdivision, Barangay Bagbag, Novaliches.

Nagtamo naman ng sugat ang kanyang maybahay na si Eulaiza Marife Ramos, 35; mga anak na sina Yuri, 4; Urico Mateo, 5; at Marie, 12.

Galing umano sa Tandang Sora ang Isuzu truck cement mixer at patungo sa Congressional Avenue habang binabaybay ang kahabaan ng Mindanao Avenue, sa tapat ng Bureau of Jail Management and Penology, basta na lamang umanong nawalan ng preno at tumagilid hanggang sa nadaganan ang Honda Civic na kinalululanan ng pamilya Ramos.