Ni Martin A. Sadongdong

QUEZON Province – Naungusan ni Ramon Lapaza, Jr. ang nakababatang kapatid at national champion na si Cesar Lapaza Jr.para makopo ang kampeonato sa Sandugo 1st Brusko Pacific Coast Epic MTB Race nitong weekend sa General Nakar town dito.

cycling copy

Naisumite ng 30-anyos na si Ramon, mula sa Butuan City’s Cycleline Rider Team, ang tyempong tatlong oras, 47 minuto at 27 segundo sa 100 km men’s open category.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Tangan niya ang .02 segundo bentahe kay Cesar (3:47:29), habang pangatlo ang dating National player na si Alvin Benusa (3:51:19).

Inorganisa ang Brusko race ng Sandugo Sandals Inc. sa pakikipagtulungan ng Manila Bulletin, Isuzu, 7-Eleven at municipal government of General Nakar, Quezon Province.

May kabuuang 720 cyclists mula sa Luzon at Visayas ang nakiisa sa torneo.

“Even though it’s a tough fight, we couldn’t leave each other behind. Every time we race, if he stops in the middle of the trek, I wouldn’t leave him. Same if it happens to me,” pahayag ni Ramon.

“I am so happy because we won and the trail was really beautiful,” sambit naman ni Cesar, kampeon sa nakalipas na Asian MTB Invitational at Philippine national Championships sa Cebu.

“The trail became more difficult because of the rain. But we’re happy that we finished the race. It’s what matters most,” ayon kay Cesar.

Ayon kay Sandugo founder at hardcore mountaineer Job Faminialagao, isinagawa nila ang epic race bilang pagkilala sa kakayahan ng siklistang Pinoy at ipakita ang katatagan ng produktong Brusko.

“Actually, ang Brusko ‘yan ang first bicycle brand ng Sandugo. Why Brusko? Brusko bike is for mountain biking kasi and Brusko, ang dating kasi is macho, pang-harabas. Talagang sasagasaan niya kahit ano sa trail (Actually, Brusko is the first bicycle brand of Sandugo. Why Brus,” aniya.