Ni: IBT

PARA kay Kristen Bell, hindi masama ang paghihiwalay ng dalawang tao.

Ilang fans ang nalungkot nang ipahayag nina Chris Pratt at Anna Faris nitong nakaraang linggo na maghihiwalay na sila pagkatapos ng walong taong pagsasama bilang mag-asawa. Habang marami pa rin ang nagluluksa sa paghihiwalay ng isa na namang power couple sa Hollywood, naniniwala ang bituin ng Frozen na hindi dapat ituring na negatibong bagay ang paghihiwalay at dapat ding pahalagahan ng lahat ang pagsisikap na ginawa ng couple para mapanatili ang relasyon bago ito nagwakas.

Dax at Kristen copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

“I think there’s a little bit of lack of acknowledgment about really loving something that was. If there are two people that decide not to be together, it shouldn’t really be a heartbreak for everyone,” ani Kristen sa E! News.

“You should say, ‘Oh, they tried. But that doesn’t discount the lovely years they had together.’ If I ever get divorced, I’m still going to be like, ‘Wow, I loved being married to that man.’”

Tungkol naman sa pagsasama ni Kristen at ng asawang si Dax Shepard, inamin ng bituin ng Couples Retreat na kailangan ang masigasig na pagsisikap upang mapanatili ang pagsasama. Sinabi niya na may mga pagkakataon na hindi niya masang-ayunan ang asawa, ngunit sinisikap pa rin niya na maunawaan ang pananaw nito.

Para kay Kristen, hindi madali ang kasal. Kailangan ang commitment at respeto ng mag-asawa para sa isa’t isa at hindi ito dapat mawala. Idinagdag niya na sa huli ay balewala ang mga away kung may respeto pa rin ang isa’t isa.

Ang isa sa mga dahilan ng pananatili ng kanilang relasyon, ayon kay Kristen, ay palagi siyang napapatawa ni Dax.

“On a daily basis, he just makes me laugh all the time. He’s obsessed with attention, so he’s constantly making jokes to try to get me to give him more attention or to get me to giggle. And you know, he was a stand-up comedian, so I’m living with a comedian,” sabi ni Kristen sa Us Weekly.