Ni: Leandro Alborote

RAMOS, Tarlac – Hinoldap at tinangayan ng tricycle ng riding-in-tandem ang isang negosyante sa Barangay Guiteb sa Ramos, Tarlac, kahapon ng umaga.

Kinilala ni SPO1 Ritchel Antonio ang biktimang si Conrado Valdez, 48, may asawa, negosyante, ng Purok Namnama, Bgy. Toledo.

Binabagtas ni Valdez ang Bgy. Guiteb, sakay sa kanyang tricycle nang sundan umano ng tandem at hinoldap.

Probinsya

‘This is not tradition, it's animal cruelty!' AKF, kinondena pagbabalik ng Pasungay Festival

Natangay mula sa biktima ang kanyang tricycle, mga papales nito, at P3,000 cash.