TINAGHAL ang Pinay beauty queen na si Maureen Montagne bilang first runner-up sa America’s Miss World 2017 beauty pageant na ginanap sa Orlando, Florida.

Maureen copy

Ito ang pangalawang pagkatawan ni Montagne sa Arizona, ang kanyang home state, sa national beauty competition. Una siyang kinoronahang Miss Arizona USA noong 2015 at nakapasok sa top 15 finalists ng Miss USA crown.

Kamakailan ay gumawa siya ng commercial ad sa TV para sa Massage Envy, isang print ad para sa Talking Stick Resort, at naging cover na rin ng mga magazine.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“After Miss Arizona, I focused on school. Now that I finished with a degree from Arizona State University, I’ve been focusing on modeling. And I’m looking into getting a job in marketing,” aniya.

Tuwing sumasabak sa pageant si Montagne, lagi niyang ibinibida ang kanyang Filipino roots. Adbokasiya niyang mabigyan ng benepisyo ang mga batang Fil-Am sa kanilang lugar.

Itinutuon ni Montagne ang kanyang sarili sa Abaka Foundation, na nagtataguyod ng kultura, wika, at sining ng mga Pilipino. Bilang kapalit, natuto siyang magsalita ng ilang katagang Tagalog at naging inspirasyon ng mga bata.

“Personally, I wasn’t able to engage with my culture until college, until I found a Filipino club at Arizona State University. Having these venues for the kids to learn is amazing,” lahad niya.

Ayon kay Montagne, ito na ang kanyang huling pagsali sa beauty pageant dahil paglalaanan na niya ng panahon ang kanyang karera sa modelling at marketing habang ipinagpapatuloy ang kanyang adbokasiya sa pagtulong sa Fil-Am community.

Samantala, makikipagtunggali naman sa Miss World 2017 si Miss Clarissa Bowers mula sa Florida na gaganapin sa China ngayong Setyembre.