NI: Mary Ann Santiago

Tiniyak kahapon ng Department of Education (DepEd) na hindi nila pahihintulutan ang mga awtoridad na makapagsagawa ng Oplan Tokhang sa mga estudyante.

Nilinaw ni Education Secretary Leonor Briones na ang isasagawang random drug test sa mga mag-aaral sa pampublikong paaralan sa high school sa bansa ay hindi kahalintulad ng Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).

“This is not Tokhang. The primary reason for the conduct of the drug tests is to determine the extent of drug use among students,” anang kalihim. “Hindi ito tokhang-tokhang....We’re doing this with an open-mind. We’re doing this as scientifically as possible.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Klinaro pa ni Briones na magsasagawa lamang sila ng random drug test upang matukoy ang lawak na paggamit ng ipinagbabawal na gamot sa bansa at makagawa ng kaukulang aksiyon hinggil dito, tulad ng pagsasailalim sa rehabilitasyon sa estudyanteng nalulong sa droga.

Hindi rin aniya isasapubliko ang resulta ng drug testing at hindi ito magiging dahilan upang ma-kickout sa paaralan ang estudyante.