TAIPEI (Reuters) – Nagkaroon ng malawakang blackout sa mga negosyo at residential areas sa Taiwan nitong Martes.

Halos pitong milyong mamamayan ang nagdusa sa maalinsangang panahon dahil sa pagkawala ng kuryente sa isla.

Bumalik ang kuryente sa buong isla kinaumagahan ng Miyerkules.

Nagreklamo ang mga residente sa pagpalo ng temperatura sa 32 degrees Celsius (89.6°F), namroblema ang mga restaurant at maliliit na negosyante na nawalan ng kuryente, at huminto ang mga traffic light at elevator.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Ang power outage ay dulot ng human technical error sa state-owned gas supplier na CPC Corp. na napahinto sa anim na generator ng state-owned Taiwan Power Co power plant sa hilagang kanluran ng Taoyuan.

Humingi ng paumanhin si President Tsai Ing-wen sa kanyang Facebook page dahil sa blackout.