NI: Ben R. Rosario

Nanawagan si Speaker Pantaleon Alvarez kahapon kay Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista na pag-isipang mabuti ang pagbibitiw sa puwesto kasunod ng mga alegasyon ng katiwalian at panunuhol na ibinabato sa kanya ng asawang si Patricia.

“Kasi when you head that agency na handling elections sa bansa, kailangan po talagang credible iyan. Kapag may bahid, medyo hindi na po maganda,” anang Alvarez sa isang panayam sa telebisyon kahapon.

Nagpahayag din si Alvarez ng paniniwala na maaaring magpresinta si Patricia ng malakas na impeachment case laban sa asawa nito dahil sa pagkakaroon ng “personal knowledge” sa diumano’y mga anomalyang kinasasangkutan ng opisyal, at handa ang Mababang Kapulungan na iproseso ito.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Inulit din ni Alvarez ang hamong pagbibitiw kay Customs Commissioner Nicanor Faeldon “[to] spare the President further embarrassment” kaugnay sa mga alegasyon ng graft bunsod ng pagkakadiskubre ng P6.4 bilyong shabu smuggling case sa Bureau of Customs.