Ni: Rey G. Panaligan

Bumuo ng five-member panel ang Bureau of Internal Revenue (BIR) upang imbestigahan ang posibleng tax evasion cases sa umano’y P1-bilyon nakaw na yaman ni Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Bukod kay Chairman Bautista, kabilang din sa iimbestigahan ng BIR ang kanyang misis na si Patricia Paz, ang law school dean na si Nilo Divina at ang Divina law firm nito, ang Luzon Development Bank (LDB), “and other related parties.”

Sa press briefing kahapon, sinabi ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II na inisyu ni BIR Commissioner Caesar Dulay ang BIR Special Order No. 706-2017 upang opisyal na simulan ang imbestigasyon.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang panel ay binubuo nina Regional Director Glen Geraldino, ng Revenue Region 8 (Makati), bilang head ng investigation team; Regional Director Manuel Mapoy at Revenue District Officers Petronilo Fernando, Bethsheba Bautista, at Isabel Paulino bilang mga miyembro.

Sa kanyang affidavit sa National Bureau of Investigation (NBI), sinabi ni Mrs. Bautista na may hindi idineklarang yaman ang kanyang mister na nasa mga bangko at nakapaloob sa 35 passbook, condominium units, at interests at shares sa overseas companies na nagkakahalaga ng P1 bilyon.