KUALA LUMPUR – Matikas na sinimulan ng Philippines men’s under-22 Azkals at women’s team Malditas ang kani-kanilang kampanya sa 29th Southeast Asian Games football event nitong Miyerkules.

Ginapi ng Azkals ang Cambodia, 2-0, habang nasopresa ng Malditas ang liyamadong host Malaysia, 2-1, sa UiTEM Shah Alam Stadium dito.

Naitala nina Raymart Cubon at Kouichi Belgira ang tig-isang goal para sa Azkals, habang naisalpak ni Camille Rodriguez ang winning goal sa ika-74 minuto para maunsiyami ng Malditas ang pagsasaya ng home crowd.

Naisalpak ni team captain Patrice Impelido ang unang goal para sa Malditas bago nakatabla ang Malaysia mula kay Dadree sa ika-54 minuto ng laro.

Romualdez sa Araw ng Kalayaan: 'Di lang pag-alala kundi pagprotekta rin sa kinabukasan'

Sunod na makakaharap ng Philippine men’s Under-22 team ang Indonesia ganap na 8:45 ng gabi ng Miyerkules, habang sasagupain ng Malditas ang Vietnam aganap na 4:00 ng hapon.