Ni: Mary Ann Santiago

Isa pang bilanggo ang namatay nang hindi umano makayanan ang matinding init sa siksikang selda ng Manila Police District (MPD)-Station 4 sa Sampaloc, Maynila kamakalawa.

Sinubukan pang isalba ng mga doktor ang buhay ni Christopher Rubiales, 34, ng 670 Dona Ma. Street, sa Sampaloc ngunit nasawi rin habang nilalapatan ng lunas.

Ayon kay SPO2 Jonathan Bautista, ng MPD-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), ikinulong si Rubiales sa MPD-Station 4 noong Agosto 9 matapos arestuhin sa paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-Gambling (Illegal Horcse Racing/Bookies).

National

Sen. Kiko, bumuwelta sa Chinese embassy matapos puntiryahin si Sen. Risa!

Gayunman, bandang 8:00 ng umaga kamakalawa o isang linggo matapos ipasok sa selda, idinaing na Rubiales ang hirap sa paghinga at paninikip ng dibdib.

Dahil dito, isinugod ng mga pulis sa ospital si Rubiales ngunit namatay din, bandang 8:35 ng umaga.