JAKARTA (Reuters) – Sinabi ng pangulo ng Indonesia nitong Miyerkules na kailangang magtulung-tulong ng pinakamalaking bansang Muslim sa buong mundo na para maharap ang banta ng extremism at mabantayan ang konstitusyon na nagdadambana ng religious freedom at diversity.

Sa kanyang talumpati sa parliament bago ang araw ng kalayaan ngayong Huwebes, binigyang-diin ni President Joko Widodo na dapat matugunan ang hindi pagkakapantay-pantay sa bansa at ang banta ng radicalism.

Limang militanteng Islamist ang inaresto ng Indonesian police malapit sa Jakarta nitong Martes, at nasamsam ang mga kemikal na anila ay ginagamit sa paggawa ng mga bomba para sa planong pag-atake sa presidential palace sa katapusan ng Agosto.

“We have to strengthen our national consensus in safeguarding Pancasila, the 1945 Constitution, the unity of the Republic of Indonesia and “Bhinneka Tunggal Ika” (unity in diversity),” anang Widodo.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

“Because the challenges we face now and will face in the future are not easy. We are still confronted with poverty and injustice; we are still facing global economic uncertainty, and we are also facing movements of extremism, radicalism and terrorism,” dugtong niya.