Nina Abigail Daño at Chito Chavez

Inulan ng batikos sa social media ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa pagpapataw nito ng isang-buwang suspensiyon sa Uber, dahil sa patuloy umanong mag-accredit ng mga bagong Uber accounts.

Partikular na nagmula ang mga batikos sa Facebook at Twitter sa mga suking pasahero ng Uber.

“I’m very unhappy and disappointed wd LTFRB. I love the services of UBER. No need to go out to get a taxi. They are safe and convenient. And the cars are all new. Unlike the old and regular taxis and taxi drivers. Mga abusado at ‘di safe. Kung swertihin ka, holdapin ka pa. L***heng LTFRB! Ang taong bayan ang MAGDURUSA!,” komento ni Jasmin Chan sa video na ipinost niya sa Facebook.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Kalat naman sa Twitter ang #UberSuspension at #LTFRB na ginamit ng libu-libong user upang ipahatid sa gobyerno ang kanilang hinaing kaugnay ng biglaang suspensiyon sa Uber.

“Bakit ba ganito ang gobyerno natin, backward thinking,” tweet ni Louloubelle.

“Those abusive taxis are unresolved until now. But with Uber, agad agad?” saad naman sa tweet ni Regina Cruz.

Libu-libong commuter ang nagreklamo sa matinding perhuwisyong idinulot ng suspensiyon, dahil nahirapan din umano silang mag-book kahapon sa isa pang transport network company (TNC), ang Grab, dahil sa tambak na demands para sa booking ng huli.

Bukod sa mahirap nang magpa-book, inireklamo rin ng ilang commuter ang anila’y sobra-sobrang singil ng Grab.

Ayon sa isang commuter, siningil umano siya ng Grab ng P700 pasahe mula sa Cubao hanggang Ortigas, subalit isa namang commuter ang nagsabing P169 lang ang binayaran niya sa biyaheng Katipunan-Timog Avenue.

Sinabi naman ni LTFRB Board Member at Spokesperson Aileen Lizada na imo-monitor din ng ahensiya ang mga aktibidad ng Grab, sinabing umaasa silang patuloy itong tutupad sa mga regulasyon ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, humingi naman ng pang-unawa ang Grab sa mga kliyente nito: “We ask the patrons of ride-sharing to bear with us as there has naturally been an increase in bookings made on the Grab platform. Grab is committed to serve the riding public throughout this challenging period.”