KUALA LUMPUR – Matikas ang panimulang ratsada ng Team Philippines nang gapiin ang Thailand, 9-7, nitong Martes sa pagsisimula ng aksiyon sa men’s water polo event ng 29th Southeast Asian Games sa National Aquatics Center dito.

water polo copy

Hataw si skipper Roy Canete ng dalawang goals sa kaagahan ng laro para maibigay sa Nationals ang inaasam na momentum tungo sa impresibong panalo sa Thais, bronze medalist sa Singapore SEA Games noong 2015.

Nagawang makaganti ni Kirasit Patarathitina para maidikit ang iskor sa 1-2.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ngunit, hindi natinag ang Pinoy sa ganting opensa nina Mummar Alamar at Canete para sa 4-1 abante sa pagtatapos ng first half.

Nanatiling kumikig ang Thais, sa pangunguna ni Patarathitina,subalit determinado ang Pinoy sa kalagitnaan ng second half nang maka-goal sina Reynaldo Salonga at Canete para hilahin ang bentahe sa 7-3.

Mas pinatibay ng Team Philippine ang depensa para maselyuhan ang panalo. Sunod na makakaharap ng Pinoy ang Malaysian ngayong hapon.