NI: Orly L. Barcala

Tinutugis ngayon ang isang lalaki na nanaksak ng kanyang kainuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Nakatakdang maharap sa kasong frustrated homicide si Vincent Saporas, nasa hustong gulang, obrero, ng Phase 2, Gozon Compound, Barangay Tonsuya ng nasabing lungsod.

Patuloy namang nagpapagaling sa ospital si Leo Fiel, 27, welder, na nagtamo ng malalim na saksak sa katawan.

National

Grok, hindi na aalisin sa Pinas—DICT

Base sa report, nag-iinuman sina Saporas at Fiel sa kanilang lugar, dakong 11:30 ng gabi.

Sandaling minuto ang lumipas, pinayuhan umano ni Fiel si Saporas na ayusin ang buhay at tumulong sa magulang na hindi nagustuhan ng huli.

Mabilis na kumuha ng patalim si Saporas at tinarakan si Fiel bago tuluyang kumaripas.