Ni NORA CALDERON

MADALING natandaan ni Alexander ‘Xander” Lee ang GMA Network nang tanungin siya ng kanyang management kung gusto niyang gumawa ng TV series sa network.

“Oh, yes, I know GMA Network and Kuya Germs (German Moreno),” kuwento ng Korean singer/actor sa grand presscon ng romantic-comedy series nila ni Heart Evangelista na My Korean Jagiya. “I’ve promoted there in Unang Hirit our U-Kiss show in the Philippines. I’m sad when I learned that Kuya Germs has passed away.”

Alexander Lee 1 copy

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi nahirapang makipag-communicate sa entertainment press si Xander dahil nakakapagsalita siya ng walong wika, kabilang ang English.

“I’m trying to learn Tagalog words but it’s hard. But I will try my best to learn more Tagalog words. I know a few, ‘ay naku,’ ‘pautang,’ ‘ang tanga-tanga mo,’ ‘malinamnan,’ ‘guwapo.’

“I love Filipino foods like any kind of sinigang, dinuguan, I fell in love with Indian mangoes with bagoong, champorado with dried fish, halo-halo,” na natutuhan niya sa direktor nilang si Mark Reyes.

“I’m very nervous when I learned that a top actress in the Philippines, Heart Evangelista will be my partner in the romantic-comedy series. But when I met her in Korea, she’ s like a princess, very sweet. And I’m so touched when she treated me to dinner when I turned 29 years old here in the Philippines.”

Looking forward si Xander na makapunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Sa ngayon, ang napupuntahan pa lamang niya ay ang location ng taping nila like sa Intramuros, Manila, at Bulacan. Magkakaroon ng katuparan ang hinahangad niya dahil magkakaroon sila ng show sa Naga City to promote the show at ang promise ni Heart, tutuloy sila sa Sorsogon, at iti-treat nila ni Sen. Chiz Escudero ang cast at Korean stars.

Walang girlfriend si Xander dahil busy siya sa work niya as a host sa isang Korean TV network. Biniro siya na baka sa Pilipinas siya makatagpo ng magiging jagiya niya, why not daw. Ang gusto niya sa girl, down-to-earth, good to his family, his parents, at sa kanyang sister.

Gusto ni Xander na mag-stay sa Pilipinas.

“As long as they need me. I hope the show will goes out well so we can go back to Manila or them to go back to Korea.”

Ayaw mag-preempt ni Xander nang tanungin kung totoo nga bang magkakaroon ng wedding scene na kukunan sa Korea. Ang sagot lang niya: “We’ll see.”

Sabi’y one month pang magti-taping dito sa atin si Xander at ang mga Korean actors na sina David Kim, Michelle Oh at Jerry Lee, with Janice de Belen, Edgar Allan Guzman, Iya Villania-Arellano, Valeen Montenegro, Frances Makil Ignacio, Myke Solomon, Jinri Park, Divine Aucina at child actor Khane dela Cruz. Sa Monday, August 21, na ang pilot telecast ng My Korean Jagiya.