Ni: Marivic Awitan

NAKABANGON ang University of Perpetual Help mula sa dalawang sunod na pagkabigo matapos gapiin ang Arellano University, 68-59, kahapon sa NCAA Season 93 basketball tournament sa Filoil Flying V Center sa San Juan.

Namuno si Prince Eze para sa nasabing panalo sa itinala niyang 23 puntos at 21 rebounds upang iangat ang Altas sa 3-4 karta.

Naiskor niya ang assurance basket na isang short stab may natitira na lamang 34 segundo mula sa pasa ni GJ Ylagan.

Another gold! Hidilyn Diaz, isa nang guro sa UP Diliman

“Talagang gusto naming manalo kasi siyempre dalawang sunod na talo, mahirap. Kailangan ipanalo ang game na ito para naman makabawi at mawala ang sakit ba,” pahayag ni Perpetual head coach Jimwell Gican.

“Yung game namin sa Letran, ang sakit, nightmare sa amin yun. Good thing nawala ang mga players and we executed well, especially sa offense,” aniya.

Sumunod kay Eze sina GJ Ylagan at Gab Dagangon na syang rumatsada safourth quarter para Altas.Nagtala ang dalawa ng pinagsamang 15 puntos sa final period.

Nagtapos si Ylagan na may 11 puntos, walong rebound at tatlong assist, habang nagposte si Dagangon ng 10 puntos at anim na rebounds.

Pinamunuan naman ni Kent Salado ang Chiefs na bumagsak sa ika,-4 na sunod nilang pagkatalo na nagbaba sa kanila sa barahang 2-5, sa itinala nitong 14 puntos at 5 limang assist.

Sa ikalawang laro, napatatag ng Rizal University Heavy Bombers ang kampanya nang paluhurin ang Emilio Aguinaldo College Generals, 72-48, para sa 3-3 marka.

Nanguna si Ervin Grospe sa Bombers sa natipang 19 puntos, habang humirit sina Jed Mendoza at Abdul Sawat ng 15 at 10 puntos, ayon sa pagkakasunod.

Iskor:

(Unang laro)

Perpetual Help (68) – Eze 23, Ylagan 11, Dagangon 10, Clemente 8, Yuhico 7, Pido 5, Coronel 4, Mangalino 0, Hao 0, Tamayo 0, Lucente 0

Arellano U (59) – Salado 14, Abanes 13, Flores 9, Canete 7, Enriquez 4, Ongolo Ongolo 4, Nicholls 3, Villoria 3, Meca 2, Alcoriza 0, Dela Cruz 0, Taywan 0, Concepcion 0, Padilla 0

Quarterscores: 15-10, 33-25, 47-44, 68-59

(Ikalawang laro)

Jose Rizal (77) – Grospe 19, Mendoza 15, Sawat 10, Poutouochi 9, Dela Virgen 6, Teodoro 6, Bordon 5, Abdul Razak 4, Castor 2, Lasquety 1, Pontejos 0, David 0

EAC (48) – Diego 13, Garcia 12, Onwubere 5, Corilla 4, Bugarin 3, Bautista 3, Guzman 3, Tampoc 3, Munsayac 2, Pascua 0, Mendoza I 0, Neri 0, Altache 0, Mendoza J 0

Quarterscores: 14-10, 37-21, 65-32, 77-48