Ni LITO T. MAÑAGO

HULING napanood si Edgar Allan (EA) Guzman sa Doble Kara ng ABS-CBN. Bago naging Kapamilya, maraming taon din siyang naging bahagi ng TV5 na hindi mabilang ang proyektong nagawa niya.

After almost a year with ABS-CBN, balik-Kapuso si Edgar Allan via My Korean Jagiya with Heart Evangelista and Korean actor/singer Alexander Lee. Nagsimula ang career ni EA sa Eat Bulaga ng GMA-7 nang manalo siya bilang grand winner ng “Mr. Pogi” segment.

Edgar Allan Guzman 1 copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Actually, bago ‘yung Doble Kara, nag-offer na ang GMA, kasama dapat ako sa Impostora ni Kris Bernal kaya lang po kasabay ito nu’ng show ko sa kabila, so, hindi ko ito natanggap. Nu’ng natapos ‘yung programa, nag-offer ulit sa akin, ito ‘yung My Korean Jagiya, so, tinanggap na namin,” simula ni EA nang mainterbyu namin after ng Q&A sa presscon ng show sa K-Pub BBQ sa Trinoma.

“First big project ko ito sa Kapuso at primetime pa. Nang i-offer ito sa akin, hindi na talaga ako nagdalawang-isip pa, kami ng manager kong si Boss Noel (Ferrer), kumbaga, first time ko ring makagawa ng isang primetime sa isang big network. Bakit ko pa sasayangin?” sabi ng magaling na aktor.

Seryoso na raw si EA sa kanyang showbiz career. Kaya isasantabi raw muna niya ang kanyang love life.

“Oo naman. Masaya at malaya ako at puwede kong sabihing handang-handa na akong makipag-love team sa mga Kapusong leading lady. I’m ready and excited na nabigyan ako ng pagkakataon sa Kapuso Network.

“Ako naman kung saan may trabaho. Dito sa GMA, well, thankful din naman ako sa Kapatid at Kapamilya networks for giving me opportunities na hinahangad din naman ng ibang artista. Hindi ko tinatapos na dito na ako. Sa akin kung saan may trabaho, kung saan may magandang opportunities na maipapakita at maise-share ko ‘yung talent ko, du’n po ako,” pakli ng binata.

Dagdag paliwanag pa ng Golden Screen Awards winner, “Kasi nga ‘yung offer ng GMA, primetime agad. Dito rin talaga ako nagsimula although, sa TAPE ito pero Kapuso pa rin. So, hetong pagbabalik ko, kumbaga, balik-Kapuso. Balik bahay, balik loob para sa mga Kapuso.

Kumustang katrabaho for the first time si Heart?

“Dati pinapanood ko lang siya. First time ko siyang makakatrabaho, primetime pa. Ang sarap sa feeling. Kumbaga, dati pinapanood ko lang siya, hindi pa ako artista, ngayon, eh, kaeksena ko na. So, na-excite ako bigla nu’ng sinabing makakasama ko siya sa isang malaking project. Heto na nga ‘yun.”

Gaganap si EA bilang Ryan Alba, ang muy guapitong boyfriend ni Heart, who plays Guadalupe Immaculada Asuncion or simply Gia. Si Alexander ang main leading man ni Heart, kaya ‘other leading man’ siya ng aktres.

Magsisimulang mapanood ang latest GMA offering sa August 21 sa Telebabad block, mula sa direksiyon ni Mark Reyes.

Other in the cast include Janice de Belen, Ricky Davao, Iya Villania- Arellano, Valeen Montenegro, Frances Makil Ignacio, Korean actors David Kim, Jerry Lee and Michelle Oh, Myke Solomon, Jinri Park, Divine Aucina, Khane de la Cruz at maraming iba pa.