Ni REGGEE BONOAN

ISA na namang makabuluhang pelikula ang mapapanood simula ngayong araw, sa isang linggong pagdiriwang ng Pista ng Pelikulang Pilipino na bawal munang foreign movies sa mga sinehan sa buong Pilipinas, ang 100 Tula Para Kay Stella (Viva Films) na sinulat at idinirehe ni Jason Paul Laxamana. Si Direk Jason Paul din ang nagdirek ng mga pelikulang napanood namin noong 2016, tulad ng Love Is Blind, 2 Cool 2 Be Forgotten, Mercury is Mine at Third Party.

JC AT BELA_hulaan mo, dick kung anong bundok copy

Naintindihan na namin kung bakit binigyan ng Grade A ng Cinema Evaluation Board ang 100 Tula Para Kay Stella nang mapanood namin ito sa special preview/premiere night sa Megamall Cinema 7 nitong nakaraang Lunes. Napakaganda ng mensahe ng pelikula para sa mga taong gustong magmahal, nagmamahal o may minamahal lalo na sa mga kimi o hindi makapagsabi at idinadaan sa biro, kanta o pagsusulat ng mga tula -- tulad ng ginawa ni Fidel na ginagampanan ni JC Santos.

Human-Interest

ALAMIN: Pinoy mountaineer na nasawi sa Mt. Everest, ina-advocate ‘clean water,’ ‘cure children’s cancer’

Simple lang ang kuwento ng 100 Tula Para Kay Stella. Si Stella na object of affection ni Fidel ay ginagampanan ni Bela Padilla, miyembro ng school rock band, gustong sumikat at makapag-perform sa malalaking lugar na maraming nanonood.

Ulilang lubos na kaya pinag-aaral si Stella ng mga kapatid. Pero wala sa mga libro ang interes ng dalaga kaya laging bagsak, ang dahilan ng madalas na pagsermon sa kanya ng mga kapatid na lalo niyang ikinade-depress.

Naging malapit si Stella kay Fidel na likas ang kabaitan, matalino, guwapo at kinaawaan dahil binu-bully ng schoolamets nila dahil sa pagiging utal sa pagsasalita.

Umibig si Fidel kay Stella dahil sa kabaitan din nito sa kanya at idinaan niya ang umuusbong na pagmamahal niya sa pagsusulat ng tula.

Hindi ni-require ni Direk Jason Paul ang mga bida ng 100 Tula Para Kay Stella ng heavy acting dahil hindi naman kailangan at pakiwari nga namin ay adlib ni Bela ang mga pasimple niyang hugot o biro at ganoon din maging si JC.

Hindi rin lahat ng mga istorya ay kailangan ng matitinding eksena para lang mapalutang ang conflict at mapansin ng award-giving bodies. Masarap panoorin ang pelikula kung hindi nito pinasasakit ang ulo mo o pinabibigat ang dibdib dahil sa malalakas na sigawan o pisikalan. Ganito ang 100 Tula Para Kay Stella.

Matutuklasan ng moviegoers sa pelikulang ito na puwede palang manood ka lang nang tahimik at mas effective ang ganitong uri ng storytelling, mapapangiti at mapahalakhak ka na lang sa daloy ng kuwento at mga pangyayari.

Sana ay maging trend ito sa aspiring o baguhang filmmakers at tigilan na ang makalumang pagkakasulat ng script at estilo ng pagdidirek na naka-template na kaya paulit-ulit lang, may iniiba lang ng kaunti. Resulta, wala nang nanonood sa pelikula ng mga makalumang direktor.

‘Very now’ at pang-Millennials ang script ni Direk Jason Paul pero naka-relate pa rin kaming kabilang sa Generation X. Kaya tiyak na malawak ang market na hahagipin ng pelikula, lalo na ang kabataan.

Kung tutuusin, ang pagsusulat ng tula para sa taong minamahal ay panahon pa nina Francisco Balagtas at Jose Rizal pero naging fresh ang kuwento nina Fidel at Stella dahil binigyan ng bagong bihis ni Direk Jason.

Hindi namin ikukuwento ang iba pang mga eksena o ang buong storyline ng 100 Tula Para Kay Stella para hindi maging spoiler ang item naming ito. Sa mga manonood ng mga kalahok sa Pista ng Pelikulang Pilipino, isama ninyo sa top 4 ang pelikula nina Bela at JC, dahil garantisadong sulit ang bayad ninyo, promise.