Ni: Light A. Nolasco

GAPAN CITY, Nueva Ecija - Kasong tangkang pagpatay ang kinahaharap ng isang 42-anyos na obrero makaraang tagain ang kapitbahay niyang tumanggi sa alok niyang tagay sa Gapan City.

Kinilala ni Supt. Peter Madria, hepe ng Gapan City Police, ang salarin na si Don Rodrigo Ongpauco, na sinasabing tumaga kay Rolando Pascual, 54, kapwa residente ng NIA Pabahay sa Barangay Pambuan sa lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, dakong 10:30 ng gabi at nakikipag-inuman si Ongpauco sa kanyang mga kaibigan nang mapadaan si Pascual at pilit ito umanong niyaya ng suspek na tumagay sa kanila, pero tumanggi ang biktima at idinahilang bibili ng gatas para sa anak.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Humantong sa pagtatalo ang pag-uusap hanggang sa kumuha ng itak si Ongpauco at hinataw niyon si Pascual sa ulo, pero isinangga ng huli ang kanyang mga braso at nagtamo ng malalalim na sugat doon.