NI: Jun Fabon

Arestado ang apat na katao na sinasabing fixer sa Land Transportation Office (LTO), at ang 26 na iba pa, sa Quezon City, iniulat kahapon.

Sa report ni Quezon City Police District (QCPD) Director, Police Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sinorpresa ng mga tauhan ng Kamuning Police Station-10, sa pamumuno ni Police Supt. Pedro Sanchez, ang mga umano’y fixer na sina Richard Lopez, 49, ng Barangay Payatas; Mike Cajigal, 49; Euardo Casiño, 42; at Dante Tulay, 48, pawang ng Bgy. Pinyahan, bandang 11:30 ng umaga kamakalawa.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas ang apat na suspek sa Kamuning Police Station makaraang ireklamo ng isang driver na kanilang nabiktima at dahil sa umano’y pagbebenta ng LTO forms.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, arestado sa iba’t ibang kaso ang 26 na katao, kabilang ang menor de edad, sa QCPD anti-criminality campaign na isinagawa sa limang barangay sa Quezon City sa loob ng magdamag.