Ni: Light A. Nolasco

SAN JOSE CITY, Nueva Ecija – Bigo ang tatlong kabataang lalaki na mailusot ang umano’y ninakaw nilang dalawang kambing matapos na mahuli ang sinasakyan nilang tricycle ng mga nagpapatrulyang pulis sa Barangay Porais sa San Jose City, Nueva Ecija, nitong Linggo ng madaling araw.

Kinilala ni PO3 Efren Santos, team leader ng patrol team, ang mga naaresto na sina Mark Adrian Yamson y Santos, 19, ng Bgy. Rafael Rueda; isang 16-anyos na out-of-school youth na taga-Bgy. Pinagcuartelan; at isang alyas “Bay”, na nakatakas.

Dakong 3:00 ng umaga at nagpapatrulya ang grupo ni PO3 Santos nang mamataan ang kakaibang kilos ng mga suspek na nang lapitan ay nakita sa loob ng tricycle ang mga kambing.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Sa presinto, inamin umano ni Yamson at ng binatilyo na ninakaw nila ang dalawang kambing sa Bgy. Porais.