Ni: Jun N. Aguirre

KALIBO, Aklan - Tinatayang aabot sa 1, 675 ektarya ng bukid sa Aklan ang walang patubig dahil sa pagkasira ng ilang bahagi ng irrigation canal sa bayan ng Malinao, ayon sa National Irrigation Administration (NIA).

Ayon kay Engr. Wilson Rey, hepe ng NIA para sa Capiz at Aklan, nasira ang bahagi ng canal dahil sa sunud-sunod na malakas na ulan sa Aklan sa nakalipas na mga araw.

Kasabay nito, nilinaw ni Rey na marami ang supply ng tubig sa Aklan River, at dapat lang na ayusin ang daluyan nito mula sa bukana ng ilog patungo sa irigasyon.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tinatayang aabot sa mahigit 4,000 magsasaka ang apektado ng pansamantalang kawalan ng tubig sa lalawigan.