Ni ABIGAIL DAÑO

WAGI ang UPeepz ng University of the Philippines Diliman sa ginanap na World Hiphop Dance championship sa Phoenix, Arizona nitong Agosto 7-12.

Mahigit apat na libong pinakamagagaling na mananayaw sa buong mundo ang lumahok sa nasabing paligsahan ngunit ang UPeepz ang nakasungkit ng kampeonato sa Megacrew division na may score na 8.33. Samantala, pumangalawang puwesto naman ang Dominican Republic’s Da’ Republik crew na may 8.08 puntos.

Panalo rin ang dalawa pang dance crews na nagmula sa Pilipinas, ang Legit Status, ikatlong puwesto sa megacrew division, at The Alliance na nasa ikalimang puwesto.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Ang ilan sa mga bansang lumahok sa nasabing kompetisyon ay ang Argentina, Australia, France, Germany, Russia, United Kingdom, at iba pa.

Matatandaan na naging kampeon din ang UPeepz nang ganapin ang 2016 World Hiphop Dance competition sa Westin Lake Las Vegas Resort & Spa at nakakuha naman ng score na 8.69 sa kaparehong dibisyon.