Ni: The Telegraph

NAKUHANAN ng litrato si Tom Cruise na iika-ika habang iniinda ang sakit sa nabigong stunt habang kinukuhanan ang pelikulang Mission: Impossible 6 sa London.

Hindi karaniwan sa Hollywood ang paggawa ng sariling stunts ng big stars ngunit pinilit ng 55-taong gulang na aktor na gawin ang pagtalon sa pagitan ng dalawang gusali, habang naka-harness, ngunit hindi sinasadyang malaktawan ang gilid ng ikalawang bubong kaya sumalpok siya sa gusali.

Sa footage na nakuhanan ng TMZ.comshows, lumagapak si Cruise na isinangga ang kamay, nang mas mapaaga ang pagtalon sa susunod na gusali.

Lolit Solis, sad sa resulta ng eleksyon para kay Bong Revilla

Pagkatapos itaas ang sarili sa nasabing gusali, iika-ika si Cruise bago humandusay malapit sa crew members. Ibinalik siya sa pagkakatali sa nasabing harness at hinila pabalik ng mga crew upang tiyakin ang kanyang kaligtasan.

Hindi pa sumasagot ang kampo ni Cruise sa mga katanungan tungkol sa nasabing insidente at wala pang impormasyon ukol sa natamong pinsala sa katawan ng aktor.

Kinukuhanan ang action series na Mission: Impossible sa isang hindi tukoy na lugar sa London, ngunit sinasabi sa social media na ito ay sa hilagang pampang ng The Thames.

Ang stunts na ginagawa ni Cruise ay lubha umanong delikado lalo na ang mga eksena sa Paris, na ibinangga niya ang sinasakyang motorsiklo sa kotse, at ang eksena sa Oxfordshire na nakuhanan si Cruise na nagpa-parachute.

Hindi na bago kay Cruise ang mga kapahamakan sa set. Sa pelikulang Edge of Tomorrow noong 2014, naiwasan niya ang aksidente nang mabilis na magmaneho ang kanyang co-star na si Emily Blunt at rumaragasa sa isang driving scene.