Ni: Ador Saluta
NANALO ang Team Gerald Anderson against Team Daniel Padilla sa action-packed na Star Magic All-Star Game last Sunday sa Araneta Coliseum. Dikitan ang basketball match na nagtapos sa score na 93-90.
“I enjoyed the game,” sabi ni Gerald sa interview sa kanya after the game, “medyo konti lang ‘yung sumisigaw sa amin pero at the end of the day it’s teamwork and we are so happy na ang daming pumunta, ang daming nag-enjoy at naging maganda ang game.”
Magaling din ang Team Daniel kaya nga raw na-pressure si Gerald nang maging gitgitan na ang scores lalo na sa last quarter.
“It’s part of the game kung kinabahan ako, baka matalo kami,” sabi niya.
Ang mga hindi nakapanood ng bakbakang Team Daniel at Team Gerald sa Araneta Coliseum ay may bonus pang eksena sa third quarter ng game, dahil nagtatalak si Karla Estrada, pointing and shouting at JC de Vera nang i-foul nito ang kanyang anak na si Daniel. Kinailangang pakalmahin ni Gerald si Karla para hindi na mauwi pa sa mas malaking komprontahan ang lahat.
“’Yung medyo nag-scuffle si JC at si Daniel, it’s part of the game. (Sinabi ko kay Karla) ‘relax, relax, kasama ‘yun, kasama ‘yun.’ It just shows how passionate everyone is in the game kaya umabot sa gano’n,” ani Gerald.
Pagkatapos ng laro, si Gerald ang hinirang na MVP sa total 42 points na naibuslo niya.
May ilang special awards din na ipinamigay sa players, kina Young JV, Zanjoe Marudo, Ronnie Alonte, Daniel Padilla at Gerald as the “Mythical 5.” Samantala, sina Roni Alonte, Zanjoe at Gerald naman ang tinanghal na “OPPO Selfie Ready Trio” winners.
Mapapanood ang Star Magic All Star Game sa ABS-CBN Channel 2 sa August 20, 3:30 PM, at sa ABS- CBN Sports + Action, at 8PM.