NI: Bella Gamotea

Arestado ang tatlong lalaki na sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang top illegal drug personality ng Parañaque City, sa anti-illegal drugs operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa lungsod, nitong Linggo ng gabi.

Nakakulong ngayon sa detention cell ng Parañaque City Police Station at sumasailalim sa imbestigasyon sina Roberto Ochobillo y Adarayan, alyas “Putok”, 37, mangingisda, most wanted drug personality ng siyudad; Joselito Blanco y Torres, 28, construction worker; at Albert Mojica y Austria, 36, pawang taga-Lower Barangay, Bgy. San Antonio.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD), nagsagawa ng operasyon ang SDEU laban sa mga suspek sa Lower Barangay sa Bgy. San Antonio dakong 10:05 ng gabi nitong Linggo nang maaresto ang tatlo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sa pagsisiyasat ni SPO1 Carlo Cruz, ng Parañaque City Police, hindi na nakapalag sina Ochobillo, Blanco at Mojica nang posasan ng mga pulis matapos makumpiska umano mula sa kanila ang tatlong plastic sachet na may hinihinalang shabu, at drug paraphernalia.