KAUNTING pawis lang ang tumagaktak sa noo ni Filipino- American mixed martial arts superstar Chris Hofmann para pabagsakin ang mapanganib na kalabang Canadian fighter na si Robert Sothmann sa loob lang ng isang round ng flyweight title fight ng URCC XXX sa dinagsang Araneta Coliseum nitong weekend.

Isang malutong na straight punch ni Hofmann ang tumama sa mukha kasunod ng sipa sa hita at left hook sa panga ang nagpatumba kay challenger Sothmann ng Dragon Warriors upang samantalahin ng mestisong Pinoy DEFTAC fighter ang pagkakataon na nagpaulan ng suntok at sipa sa bagsak nang kalaban hanggang sa ihinto ng referee ang laban 25 segundo na lang sa opening round.

Ang two-division Universal Reality Combat Championship titlist na si Hofmann ay wagi via referee stoppage due to strikes upang mapanatili nito ang korona at wala pa ring bahid ang record sa URCC na itinatag ni founder/president Prof. Alvin Aguilar.

“I caught him early so I finished him early .No room for over confidence,he’s a dangerous opponent,” pahayag ni Hofmann.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Nawala naman ang angas ni Billy Jack “The Ruler” Sanchez ng UGB MMA matapos siyang igupo ni actor turned fighter Kiko Matos ng Top Gym upang mapatatag ng huli ang estado nito bilang lehitimo nang MMA fighter ng URCC tungo sa haharapin na nitong title match sa 135 kilogram division.

Tinapos ni Matos ang Qatar-based fighter sa 2:15 ng first round via rear naked choke.

Napanatili naman ni Derrick Easterling ng USA ang titulo sa flyweight nang pagulungin ang challenger na si Jiar “The Twister “Castillo sa ikalawang round ng bakbakang itinaguyod ng SMC at Red Horse Beer.

Nasapol ni Easterling ng Team Performance si Castillo ng Hitman MMA sa 1:16 ng 2nd round para sa knockout na panalo.

Tinapos din ng defending champion na Koreanong si Do Gyeun Lee ang Pinoy challenger na si Jing “El Matador” Orao sa 4:46 ng unang round para sa lightfly belt.

Idineklarang panalo ang Team Estroso matapos ang riot na tatluhang bakbakan na isang exhibition match ng kaganapang ipino-promote ang URCC 3-on-3.Ginapi nina Sugar Ray Estroso,Patrick Santos at Noy Espinosa ang Team Gatmaitan nina Mark Gatmaitan , Jon Laxamana at Brian Paulo.