Ni NORA CALDERON

MALAKING tagumpay ang weekend opening ng McDonald’s Sta, Clara, Sta. Maria, Bulacan na pag-aari ni Maine Mendoza and her family. Naganap ang opening nila nitong Biyernes, August 11, at nagkaroon ng motorcade na sinuportahan ng napakaraming AlDub fans na madaling-araw pa lang ay dumating na.

MAINE copy copy

Palipat-lipat ng lugar sa store si Maine, nakikiusap sa mga tao kung minsan na bigyan naman ng chance ang iba na makapasok para makakain, kung minsan ay siya ang cashier, kung minsan naman nasa drive-thru para makita siya ng mga tao sa labas na napakahaba ng pila.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Present din siyempre sina Tatay Teddy at Nanay Mary Ann at mga kapatid ni Maine na sina Niki, Nico, Coleen at Dean at brother-in-law John Catalan.

Kahit open 24-hours ang store, kinailangan nilang magsara ng 12 midnight para linisin ang lugar.

Last Saturday na kami nagkaroon ng chance na bumisita sa store, at kahit malakas ang ulan ay hindi napigilan ang dating ng maraming tao. Second day pa lamang ay may nag-celebrate na ng birthday sa function room. Hanggang September na ang reservations na natanggap nila. Iyong ibang dumating na wala na talagang maupuan dahil ayaw namang tumayo pa ang iba, nag-oorder na lamang ng take-out at sa kani-kanilang sasakyan na lamang kumain.

Pero mas matindi nitong Sunday dahil may meet-and-greet si Maine sa fans, kaya lalong marami ang dumating. Ayon sa nagkuwento sa amin, nagkaubusan ng food at kinailangan nilang mag-order sa ibang branches ng McDo para masilbihan ang mga tao. Kaya naman nag-post si Maine ng pasasalamat sa kanyang Facebook account:

“This weekend was a blast not just for me but for the entire family! We just opened McDonald’s Sta. Clara and from the bottom of our hearts, I’d like to thank everyone who came to witness our grand opening. Salamat po ng marami sa mga umunawa at naghintay. As much as I want to accommodate everyone, hindi po talaga kakayanin, but still, most of you are there to support the entire family. Pasensiya na po sa mga hindi ko naabutan, sana dumating din ang time na ma-meet ko kayo soon. Again, thank you very much and sana patuloy nyo pa rin pong suportahan ang McDonald’s, most especially McDonald’s Sta.Clara.”

Congratulations, Maine and the Mendoza family, ang Mainedei Corporation.