NI: Nitz Miralles

NABALITA pati sa www.koreaboo.com ang sighting sa Bali, Indonesia kina Ellen Adarna at Big Bang member Seungri. Nasa Facebook page rin ng K-POP and Culture Fest ang picture ng dalawa habang nag-uusap na sobrang lapit.

ELLEN AT SEUNGRI copy

Bago nakita na magkasama ang dalawa, unang nag-follow si Ellen kay Seungri on Instagram at ang sumunod ay ang K-Pop star naman ang nag-follow sa dalaga. Pati ‘yun ay nabalita, kaya by now, kilalang-kilala na si Ellen maging ng non-Pinoy fans ng Bing Bang.

Trending

KILALANIN: Si dating DPWH Usec. Catalina Cabral

Tinanong si Ellen ng isa niyang follower ng, “Ate, how do you feel na you’ve been followed by Bingbang’s Seungri.

Omooo. Kilig?” Sagot ni Ellen, “Eh, di feeling hanggang Korea ang haba ng buhok kooooo hahahahahaha.”

Nakakatuwang basahin ang comments ng netizens sa balitang pagkikita nina Ellen at Seungri sa Bali. May natutuwa at pini-push si Ellen na makipagkaibigan dahil pareho naman silang single.

May mga bitter din at kung anu-ano ang itinatawag kay Ellen na ang kasalanan lang ay pina-follow siya ni Seungri sa IG at friends sila.

Ang co-Bing Bang member ni Seungri na si T.O.P. ang crush ni Ellen, ipinost niya ang picture nito sa kanyang IG story at ang caption ay, “Hay... I will find you.”

Dahil kilala na ni Ellen si Seungri, may posibilidad na makita na rin ng dalaga si T.O.P. Wish din ng fans na sa solo concert dito ng isa pang Bing Bang member na si G-Dragon sa September 1, sumama si Seungri para magkita uli sila ni Ellen.