Ni: Marivic Awitan

Mga Laro Ngayon

(Ynares Sports Arena)

3 n.h. -- Marinerong Pilipino vs Cignal HD

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

5 n.h. -- Flying V vs CEU

SA kabila ng katotohanang wala pang dungis ang marka ng Flying V sa 2017 PBA D-League Foundation Cup, hindi nakadarama ng labis na kumpiyansa si coach Eric Altamirano lalo pa ‘t batid niyang mas bumibigat ang laban.

At indikasyon ang pahirapang 65-61 panalo kontra Centro Escolar University Game 1 ng kanilang best-of-three semifinals series nitong Huwebes..

“I think that’s why it’s called the playoffs. Tumaas talaga yung level ng CEU,” phayag ni Altamirano.

Tatangkain ng Flying V na makausad sa kampeonato sa muli nilang pagtutuos ng Scorpions ngayong hapon sa Game 2 sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

“We need to do a better job controlling the rebounds and blocking out their bigs. We just have to continue doing that,” pahayag ni Altamirano.

“We’re gonna need that especially in the second game and we hope na matapatan namin yung level nila,” aniya.

Muling sasandig si Altamirano sa katatagan nina Jeron Teng, Eric Salamat, at Gab Banal para pamunuan ang koponan sa muli nilang pagtutuos ng CEU ganap na 5:00 ng hapon.

Sa isa pang semifinals duel, target ng Cignal HD na makabalik sa Finals sa muli nilang paghaharap ng Marinerong Pilipino na tatangkain nilang walisin ngayong 3:00 ng hapon.

Sa kabila ng malaki nilang panalo sa Game 1, 86-67, inaasahan ni coach Boyet Fernandez na tiyak na magsisikap bumawi ang Skippers para makapuersa ng do-or-die.

“Marinero is always there in the game even though they were down by so many points. It will be tough again facing them because I’m pretty sure that coach Koy (Banal) will really prepare hard for us. We’ll watch the tape and look what are our advantages and really try to be methodical enough to really prepare against Marinerong Pilipino,” sambit ni Fernandez.

Sina Raymar Jose, Jason Perkins, at Pamboy Raymundo ang muling aasahan upang mamuno para sa nasabing misyon ng Cignal.