Ni: Genalyn D. Kabiling

Isang buwan matapos matanggap ang bagong burador ng Bangsamoro Transition Commission, nakatakdang isumite ng Malacañang ang panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa Kongreso ngayong linggo.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na bahala na ang Kongreso na kumilos sa burador ng BBL.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“The Presidential Legislative Liaison Office will officially transmit the draft Bangsamoro Basic Law to Congress this week,” pahayag ni Abella sa press briefing sa Palasyo. “We leave it to Congress to act on the matter with dispatch including consolidating the Palace version with House Bill 6121 filed by Representative Gloria Arroyo.”

Layunin ng BBL na magtatag ng bagong political entity para sa mamamayan ng Bangsamoro na papalit sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM).