Ni: Marivic Awitan
ISANG malaking karangalan para kay taekwondo jin Kirstie Elaine Alora ang magsilbing ‘flag bearer’ ng Team Philippines sa opening ceremong ng Southeast Asian Games ngayong Sabado (Agosto 19) sa Bukit Jalil National Stadium sa Kuala Lumpur., Malaysia.
“At first, I can’t believed it, kasi I doubted myself if I deserved it,” sambit ng Rio Olympian.
“Pero yun na ring mga teammates ko, mga coaches ko, family ko, they told me na dahil na rin sa mga achievements ko sa taekwondo kaya ako napili.”
“This thing is a big factor to strive harder sa training to produce a medal in this coming SEA Games,” ayon pa sa two-time Asian Games bronze medalist.
Ayon kay Alora, gagamitin din niya ang tsansa upang mapatunayan na karapat -dapat siya sa karangalang ipinagkaloob sa kanya.
“It is not easy, but I will try hard. I am very much confident naman, kasi I prepared very hard din naman.” aniya.
Nakatakdang sumabak si Alora sa women’s -73 kg ng taekwondo event na sisimulan ng Agosto 29 sa KLCC Hall 1.