Ni: Nora Calderon

PABALIK na ngayong araw si Alden Richards mula sa “Fiesta Ko Sa Texas 2017” show na inihandog ng GMA Pinoy TV bilang bahagi ng celebratration ng kanilang 12th anniversary sa mga kababayan natin sa Houston, Texas.

Alden Houston Space Canter copy

Sa kabila ng almost 18 hours na flight from Manila to Los Angeles, California to Houston, masaya pa rin si Alden dahil kahit naririto pa siya sa Pilipinas ay nalaman na niya na maaari siyang bumisita sa NASA (National Aeronautics and Space Administration) sa Houston.

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Nang magpunta kasi sila ni Maine Mendoza at ng tatlong lola para sa “Kalyeserye Sa US,” may invitation sila to visit NASA sa LA pero dahil sa busy schedules, hindi sila nakabisita.

Bata pa si Alden ay dream na niyang maging piloto, pero dahil gusto nga ng Mommy Rio niya na mag-artista siya, kinalimutan niya ang dream na iyon at pumasok siya sa showbiz. Thankful siya kapag may role siyang bilang pilot sa show, kahit man lamang sa role ay nakakaranas siyang maging piloto. Kaya nang dumating siya ng Houston, after makapagpahinga, bumisita na siya sa NASA. Natupad ang kanyang isa pang dream, na makita ang lahat ng airplanes doon, ang satellites, kaya nagbiro siya sa press conference niya after na parang gusto na niyang maging astronaut.

Maghapon ang celebration ng “Fiesta Ko Sa Texas 2017” at marami ang fans na nanggaling pa sa iba’t ibang lugar na malapit sa Houston, driving by car ng 4-5 hours, pero sulit naman dahil nakita nila si Alden at nakapanood ng kanyang show na ginanap sa full-packed na Bayou City Event Center. Natuwa ang senior citizens na dumalo lalo na nang mayakap nila si Alden at sa magagandang songs na inawit niya.

Tumanggap ng certificates of appreciation si Alden mula sa Philippine Consulate in Texas at sa organizer, ang AZ Media Entertainment Services for his participation in the event. Nagpasalamat naman si Alden sa mga dumalo at honored daw siya na malamang siya ang first Kapuso celebrity na unang nakapag-perform sa Houston.

During the press conference, sinagot niya ang mga tanong ng local press doon, marami ang nagtanong tungkol kay Maine, bakit hindi niya kasama, sinabi niyang nag-open ng food chain si Maine at nangako siya na kung may chance na bumalik ay baka magkasama na sila.