NI: Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City – Nagkarambola ang tatlong sasakyan at limang katao ang nasugatan sa Barangay Santiago, Concepcion, Tarlac kahapon ng umaga.

Kinilala ni PO2 Manuel Aguilar, Jr. ang mga biktima na sina Benjamin Matagay, nasa hustong gulang, driver ng jeep; isang Elianor, 47; isang 16 taong gulang na lalaki, driver ng tricycle na walang plaka; isang 16 taong gulang na lalaki, ng Bgy. Santiago; at isang anim na taong gulang na babae, ng Bgy. Navy.

Sangkot din sa karambola ang Isuzu truck na minamaneho ni Randolph Dela Cruz, nasa hustong gulang, ng Bgy. Isidro.

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR

Binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Bgy. San Francisco nang mangyari ang aksidente.