NI: Liezle Basa Iñigo

DAGUPAN CITY – Inihayag kahapon ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) na sampung oras na mawawalan ng kuryente sa ilang bahagi ng Pangasinan bukas, Miyerkules.

Ayon kay Melma C. Batario, Regional Communications and Public Affairs Officer, magsisimula ang brownout ng 7:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, at apektado ang Central Pangasinan Electric Cooperative (CENPELCO) sa Bautista at Bayambang Substations.

Bibigyang-daan ng brownout ang pagsasaayos sa mga depekto ng Tumana-Bayambang 69kV line.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Samantala, apektado naman ang PANELCO III-Urdaneta (New), Rosales, Carmen, Barangobong, Tayug at Umingan Substations ng maikling brownout mula 7:00 ng umaga hanggang 8:00 umaga at 4:00 ng hapon hanggang 5:00 hapon.